Paano Mas Mapapabilis Ang Pagaaral Ng Baybayin
Paano mas mapapabilis Ang pagaaral Ng baybayin
Part1 Panglahatang baybayin (luma o moderno)
Ang ibig sabihin ko ng panglahatan ay pare-pareho ang pagsulat sa luma o modernong baybayin.
Para mapabilis at maging madali ang pagkabisa mo ng mga baybain; kabisaduhin mo muna ang hilera ng ma.
- Para mawala ang patinig o maging katinig ito; lalagyan mo lang ng vowel killers o virma kudlit (tulad ng x, +, n, j) sa ibaba.
Part2 Lumang baybayin:
Madali lang kabisaduhin ang lumang baybayin pero mahirap basahin dahil pare-pareho ang pagsulat sa o/u at e/i. Pero pare-pareho ang pagsulat ng ma at ng mga katinig.
- Para maging o/u ang patinig; lagyan mo lang ng malaking tuldok o bilog sa ibaba.
- Para maging e/i ang patinig; lagyan mo lang ng malaking tuldok o bilog sa itaas. (Parang tuldok sa letrang i)
Part2 Modernong baybayin:
Mahirap kabisaduhin ang modernong baybayin (depende sa iba) dahil pinaghiwalay na ang pagsulat ng o, u ,e , at i. Pero madali nalang itong basahin. Pare-pareho lang ang pagsulat ng ma at ng mga katinig.
- Para maging o ang patinig; lagyan mo lang ng malaking tuldok o bilog sa ibaba.
- Para maging i ang patinig; lagyan mo lang ng malaking tuldok o bilog sa itaas. (Parang tuldok sa letrang i)
- Para maging e ang patinig; lagyan mo lang ng linyang nakahiga sa itaas.
- Para maging u ang patinig; lagyan mo lang ng linyang nakahiga sa ibaba.
Madali lang mag-aral ng baybayin basta may tiyaga :)
Comments
Post a Comment