Ano Ang Mga Problema Ni Don Juan?
Ano ang mga problema ni don juan?
Sa kwentong "Ibong Adarna", ang pangunahing tauhan na si Don Juan ay nakaharap ang maraming mga problema. Narito ang mga ilan sa mga ito (maaring may makaligtaan ako kaya akoy humihingi na ng paumanhin).
- Paghahanap sa Ibong Adarna para malunasan ang sakit ng kanyang amang hari.
- Paano niya mahuhuli ang Ibong Adarna ng hindi nagiging bato gaya ng kanyang mga kapatid.
- Ang mga kapatid niyang sina Don Diego at Don Pedro na nagtaksil sa kanya dahil sa inggit nang mapagtagumpayan niyang makuha ang Ibong Adarna.
- Paano makakaligtas sa mga pinsalang natamo niya dahil sa ginawang masama (pambubugbog) sa kanya ng kanyang mga kapatid.
- Nakatakas ang Ibong Adarna nang siya na ang nakatakdang magbantay rito dahil sa kataksilan na naman ng kanyang mga kapatid.
- Paano maililigtas sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora sa mga nagbabantay sa mga itong higante at serpyente.
- Pagtataksil sa kanya ng mga kapatid dahil sa pagseselos sa dalawang prinsesa.
- Paano makakarating sa kaharian ng Reyno de los Crystales para mahanap si Donya Maria.
- Mga pagsubok ni Haring Salermo (ama ni Donya Maria).
- Ang pagtakas niya at ni Donya Maria sa Crystales.
- Pagkalimot ni Don Juan kay Donya Maria nang makauwi na siya sa Berbanya at ikakasal na kay Prinsesa Leonora.
- Pagdating ni Donya Maria sa kasalan niya at ni Prinsesa Leonora.
Iyan lamang ang aking naiisip. Sanay makatulong.
Comments
Post a Comment